Sumirit na sa 276,298 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ayon sa Department of Health (DOH) ay kasunod ng 3, 375 na bagong infections at siyang ika-10 araw na mahigit na 3,000 bagong kaso ang naiulat.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa 963, sumunod ang Bulacan -448, Cavite – 274, Negros Occidental – 153 at Batangas – 119.
Samantala pumapalo na sa 208,096 ang total recoveries matapos maitala ang 317 na mga bagong gumaling mula sa nasabing virus.
Umakyat na rin sa 4,785 ang death toll kung saan nadagdag ang 53 bagong nasawi sa COVID-19.
Nasa 63, 408 ang active cases kung saan 87.5% ang mild, 8.7% ang asymptomatic, 1.1% ang severe at 2.7% ang critical condition.