Nangangamba ang isang grupo na maaaring maging sunod na “Province of China” ang Sangley Point sa Cavite.
Ito ayon sa Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) ay dahil Chinese company ang contractor sa Sangley International Airport Project.
Sinabi ng grupo na nakapagtataka at imposible ang pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi nito batid na ang nasabing Chinese company ay nakablacklist sa Amerika matapos masangkot sa reclamation sa West Philippine Sea.
Ipinabatid ni Pinoy Aksyon Convenor Bencyrus Ellorin na mismong si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang nagbabala laban sa pagkakasangkot ng China Communications and Construction Company Limited sa Sangley Point International Airport Project.
Kasabay nito, sinuportahan ng Pinoy Aksyon ang panawagan ng Philippine Navy at ilang mambabatas na panatilihin sa Sangley Point ang naval stations.