Malapit nang matapos ang ginagawang extension project sa LRT-2, ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa DOTr, sa kasalukyan, nasa 92.14% na ang overall progress rate ng extension project.
Mababatid na target ng pamunuan ng LRT-2 at DOTr na mabuksan at maging operational na ang proyekto sa darating na Abril sa susunod na taon.
Sa ginagawang extension project, magkakaroon ito ng bagong istasyon na Emerald Station sa Marikina at Masinag Station naman sa Antipolo City.
Samantala, iginiit ng pamunuan ng DOTr na oras na matapos ang naturang proyekto, ay asahang magiging mabilis na ang biyahe mula masinag sa Antipolo hanggang sa Recto sa Maynila na tinatayang aabot sa tatlong oras ang kasalukuyang travel time.