Tuloy na tuloy pa rin ang pagtakbo ni Makati City Mayor Junjun Binay bilang alkalde ng lungsod.
Ito ay sa kabila ng desisyon ng Ombudsman na tuluyang nagbabawal kay Binay na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Ayon kay Vice President jejomar Binay, hindi pinal ang kautusan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nagsabing guilty si Binay sa mga kaso ng katiwalian kaugnay sa maanomalayang Makati City hall Building 2.
Iaapela anila ang naturang desisyon ngunit sakaling hindi maaprubahan ang apela ay mayroon silang hanggang December 10 para palitan si Junjun ng kanyang kapatid na si Makati Rep. Abigail Binay.
By Rianne Briones