Nadagdagan ng 1,128 ang mga nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas dahilan upang umakyat na ang kabuuang bilang nito sa 209,885.
Sa pinakahuling case bulletin ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 283,460 ang mga nagpositibo sa virus sa buong bansa matapos makapagtala ang ahensya ng 3,962 na bagong impeksiyon.
Pinakamarami pa rin sa Metro Manila na nakapagtala ng 1,440 na bagong confirmed cases.
Samantala, umakyat na sa 4,930 ang death toll kasunod nang pagpanaw ng 200 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,962 ngayong Sabado, Setyembre 19.
Pumalo na sa kabuuang 283,460 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 68,645 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/koOFR8OrAg
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 19, 2020