Nanawagan ang Associated Labor Unions (ALU) sa pamahalaan na agarang aksyunan ang inilabas na resolusyon ng European Parliament para maiwasan ang pagkawala ng trabaho at negosyo sa bansa.
Ayon kay Gerard Seno, National Executive Vice President ng ALU, kung mabibigo ang pamahalaan na maaksyunan ang naturang resolusyon posible na lolobo ang bilang ng mga mawawalan ng pinagkakakitaan.
Nabatid na kabilang sa naturang panawagan ang pagsasaayos sa tariff incentives na pinalawak sa mga export products sa bansa gaya ng pinya, mangga, cacao, at iba pa.