Naharang ng mga awtoridad sa Estados Unidos ang isang envelope mula Canada na ipinadala sa white house na naglalaman umano ng isang nakalalasong sangkap.
Ayon sa Royal Canadian Mounted Police (RCMP), nakatanggap sila ng request sa pamunuan ng FBI para paimbestigahan ang pinagmula ng naturang envelope na pinadala ang tinangkang ipasok sa White House.
Paliwanag ng mga awtoridad, ang ricin na natagpuan sa loob ng envelope ay isang nakalalasong sangkap na pwedeng kumitil ng buhay ng isang tao oras na ma-expose ito sa loob lamang ng 36 hanggang 72 oras.
Kasunod nito, pinaigting na ng mga awtoridad sa Estados Unidos ang kanilang pagbabantay at siniguro rin sa publiko na hindi sila dapat mag-alala sa kanilang kaligtasan.