Positibo si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na makalulusot ang isinusulong niyang panukalang itaas and edad para sa statutory rape sa labing anim mula sa kasalukuyang labindalawang taong gulang.
Ito’y ayon kay Zubiri makaraang maghayag ng kaniyang pagkabahala sa tumataas na bilang ng mga nabubuntis na kabaatan batay sa naging pag-aaral ng Population Commission (PopCom).
Sa ilalim ng isinusulong na batas ni Zubiri, ang sinumang makipagtalik sa mga menor de edad mula 16 anyos pababa ay maituturing nang guilty kung wala itong pagsang-ayon mula sa biktima.
Ang kawawa po kasi diyan, mga bata pa kasi musmus pa lamang. I think their mental faculties hindi pa ganun ka-develop, kaya ang nangyayari na bobola sila, naiimbita silang uminom, naiimbita silang sumama sa mga nakakatanda sa kanila at doon mismo nata-take advantage sa mga adults. May sexual predators, pedophile ang mga ito. Ani Zubiri
kasunod nito, nagpahayag ng pagka-alarma si Zubiri sa naging pag-aaral ng PopCom kaya’t minabuti niya nang kumilos upang pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan.
The global average is 16 to 18 years old. So talagang napakababa, kung meron pongt adults or mas matandang lalaki kung nagligaw sa isang teenager na 14 o 15 years old dito sa ating bansa legal po iyon pero sa ibang bansa illegal po iyon. Sa Estados Unidos kung 18 years old siya kapag ganytan ang ginawa mo kulong ka direcho. ani Zubiri — panayam mula sa Sapol