Hindi pinapayagan ng batas ang pagmamay-ari ng mga dayuhan ng isandaang porsyento sa mga public utility partikular na ang telekomunikasyon.
Ito ang iginiit ni Dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio bagama’t aprubado na sa Kamara ang House Bill 78 na nag-aamiyenda sa Public Service Act.
Sa isang webinar na isinagawa ng Philippine Bar Association, malinaw ang itinatakda ng saligang batas na kailangang nasa an 40%pagmamay-ari ng mga Pilipino ang isang Telecommunications Company.
Sa ilalim kasi ng nasabing panukala, inaalis na bilang utilities ang transportasyon at telekomunikasyon na taliwas sa itinatakda ng mga 1935, 1973 at ang umiiral na 1987 constitution.