Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo ang gubyerno na huwag masamain ang pagbawi ng European Union parliament sa Generalized Scheme of Preference Plus ng Pilipinas.
Ito’y makaraang hamunin ng malakaniyang ang E.U. Na ituloy ang banta nitong bawiin ang export tariff incentives ng Pilipinas dahil sa umano’y paglabag nito sa karapatang pantao at lumalalang sitwasyon ng press freedom.
Ayon kay Robredo, kailangang patunayan ng gubyerno na wala itong ginagawang paglabag alinsunod na rin sa itinatakda ng 27 international conventions na nilagdaan ng Pilipinas sa EU.
Magugunitang 2015 nang huling makakuha ng GSP positive ang Pilipinas dahil sa pagsunod nito sa international treaties kaya’t binibigyan ng tariff exemptions sa pagpasok ng produkto sa Europa ang mga bansang kasapi nito tulad ng Pilipinas.