Mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang mga programa na nakatuon sa pagbabago ng klima at disaster risk reduction sa susunod na taon.
Katunayan, ayon sa Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction o CCAM-DRR na pinamumunuan ng DENR, maglalaan ng mas malaking pondo ang gobyerno para rito.
Ayon sa Cabinet cluster, tinatayang 152.35 billion pesos ang ibubuhos na pondo ng administrasyon para sa Risk Resiliency Program (RRP) batay na rin sa isinumite nitong 2021 National Expenditure Program sa Kongreso.