Muling nagpatupad ng city wide liquor ban sa Baguio City.
Ang liquor ban simula ngayong araw na ito, ayon kay baguio City Mayor Benjamin Magalong, ay kasunod na rin nang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Nadiskubre rin ng city government na pag-iinuman ang ugat ng 38 kaso ng COVID-19 sa isang slaughter house sa Baguio City.
Una nang ipinag-utos ni Magalong ang pagpapatupad ng hard lockdown sa Barangay Sto. Niño at Barangay Lourdes Subdivision Extension.