Posibleng hindi makatanggap ng pension ang mahigit 91,000 waitlisted na mga senior citizens sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Social Welfare and Development Assistant Secretary Glenda Relova bunsod ng binawasang pondo ng kagawaran sa 2021.
Ayon kay Relova, humihiling sila ng P24-B na pondo para maisama sa pension program ang nasa 3.7 milyong mga pinakamahihirap na senior citizens.
Gayunman, binawasan pa aniya ng Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P800-M ang pondo para sa naturang programa.
Samantala, kinuwestiyun naman ni Bayan Muna Representative Carloz Zarate kung bakit kinakailangan pang i- waitlisted ang mga nakatatanda para maisama sa mga makatatanggap ng pensyon.
Iginiit ni Zarate, dapat tignang maigi ng kongreso ang naturang patakaran lalo’t marami naman aniyang pondo ang maaaring ma-realign upang mapakinabangan ng mga senior citizens.