Bukas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pagbabalik ng “new normal” sa gitna ng mga ipinatutupad na klasipikasyon ng community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos aniya niyang imungkahi ito sa kanyang mga kasamahan sa IATF.
Ayon kay Roque, positibo ang tugon ng IATF sa ideya ng pagsasailalim sa new normal ng mga lugar sa bansa na wala nang naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas ng buwan.
Iginiit ni Roque, ang naturang panukala ay nakabatay pa rin aniya sa datos at patnubay ng siyensiya.
Sa kabila nito, sinabi ng kalihim na marami pa ring dapat ikonsidera bago tukuyin at pagpasiyahan ang susunod na ipatutupad na quarantine status sa Metro Manila tulad ng case doubling time at kapasidad ng mga critical care facilities.