Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hakbang ng gobyerno na maglagay ng dolomite sa Manila Bay para gawin itong artificial beach.
Ayon sa pangulo, kinagigiliwan ngayon ng publiko ang naturang tanawin sa Manila Bay dahil sa white sand nito.
People now are really enjoying the reclaimed area with the white sand at least,” he added. “He impressed me he accepted my dare. He just said he would Ido it. And people are now enjoying the benefits of the determined action of a Cabinet member to do good,” ani Duterte.
Ngunit tila aniya wala nang masabi ang mga kritiko niya at lahat na lamang ay binabatikos.
Kaugnay nito, binati ng pangulo si Environment Secretary Roy Cimatu sa napakalaking pagbabago ng Manila Bay.
Let us begin by congratulating Secretary Cimatu. You know I remember that meeting [in Davao City] — I think everybody was there —when I said: ‘Can you clean this up?’ And the answer was very curtly given. He said: ‘I can work on it’,” ani Duterte.
Naaalala umano niya noong hinamon niya ang kalihim kung kaya niyang linisin ang Manila Bay.