Tumutugma sa nakita ni Senador Panfilo Lacson ang lump sum sa punong tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kasalukuyang pinag-aawayan na ‘pork’ ng mga kongresista sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Ani Lacson, tulad nang kanyang inaasahan, magdudulot ng hindi pagkakaintindihan ang una na niyang isiniwalat na lump sum na nagkakahalagang higit P390-bilyon.
Ito’y dahil lulutang-at-lulutang, ani Lacson, ang ganitong kalaking halaga na hindi naman nakasaad ang paglalaanan o walang line item.
Magugunitang inihayag ni Lacson na maraming dapat ipaliwanag ang mga opisyal ng DPWH oras na isalang ang mga ito sa budget hearing sa senado. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno