Nagpatupad ng shutdown ang Facebook management sa maraming pekeng accounts at pages sa Pilipinas.
Ang mga pekeng accounts at pages, ayon kay Facebook head of security policy Nathaniel Gleicher, ay na-trace sa ilang indibidwal mula sa Fujian Province of China.
Kabilang sa binura ang mga hindi tunay na accounts at pages na sumusuporta sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa posibleng presidential bid ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sinabi ni Gleicher na nagpopost ng mga impormasyon sa mga pekeng Facebook pages at accounts sa wikang Chinese, Filipino at English.