Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kahalagahan ng ginagawa ngayong paglilinis sa PhilHealth.
Ayon kasi kay Roque, nararapat lang na magamit ng taong bayan ang kaban nito para matugunan ang kani-kanilang pangangailangang medikal.
Pagdidiin pa ni Roque, hindi maayos na maipatutupad ang Universal Healthcare Law kung mananatili ang mga korap na opisyal ng PhilHealth.
Kasabay nito, pagtitiyak ni Roque na ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ay bilang pagtugon sa hangarin at adhika ng punong ehekutibo na mapanagot ang mga tao sa likod ng iregularidad.