Pagpupulungan ng mga alkalde sa Metro Manila ngayong linggo ang kanilang magiging rekomendasyon sa kasalukuyang ng umiiral na community quatantine sa NCR.
Ayon kay Metro Manila Council Chairman, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, tatalakayin nila sa pulong kung ida-downgrade o pananatilihin pa rin sa general community quarantine (GCQ) ang buong rehiyon.
Ani olivarez, sa kanilang obserbasyon, nakikitaan na ng pagbaba sa trend ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).
Sa katunayan aniya ay pababa ang naitatalang kaso sa Parañaque City sa nakalipas na tatlong magkakasunod na linggo.
Dahil dito, sinabi ni Olivarez na kung siya ang tatanungin mas gusto niyang manatili lamang sa GCQ ang Metro Manila para mas mapababa pa ang kaso ng COVID-19.
Iginiit ni Olivarez, hindi pa aniya maaaring magluwag sa kasalukuyan at sa halip ay ipagpatuloy lamang ang pagtiyak sa pagsunod sa mga umiiral na protocols at minimum health care standards.