Pormal nang inihayag ni Senador Bongbong Marcos ang kandidatura sa pagka-bise presidente ng bansa sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon.
Sa kaniyang talumpati sa Puerta Real sa Intramuros sa Maynila, sinabi ng senador na kaniyang tinatanggap ang hamon ng bagong henerasyon.
“Taos puso kong tinatanggap ang hamon ng panahaon, ang hamon ng bagong henrasyon, tinatanggap ko nang buong pagkumbaba ang hamon ng bayan, tatakbo ako sa susunod na halalan bilang bise president ng republika ng Pilipinas.”
Binigyang diin pa ni Marcos na kaniyang sisimulan ang makabagong rebolusyon para sa mas mapayapang Pilipinas.
Ilan sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon ang kaniyang inang si dating unang ginang Imelda Marcos, kapatid na si Ilocos Norte Gov. Imee, Manila Mayor Joseph Estrada at Senador Juan Ponce Enrile.
“Sa tulong ninyo at ng samabayanan, pangungunahan ko rin ang isang rebolusyon sa isip at gawa upang marating natin ang gating pinapangarap na isang matahimik, maunald ba bayan at masiglang mamamayan.”
By: Jaymark Dagala