Pinaplano na ring buksan sa mga turista ang lalawigan ng Bohol sa darating na Oktubre.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo – Puyat, bahagi pa rin ito ng kanilang isinusulong na travel bubble kung saan papasukin sa kilalang destinasyon ang mga turistang mula sa lugar na mababa o halos wala nang kaso ng COVID-19.
Paliwanag ni Puyat, kanyang ipauubaya kay Bohol Governor Arthur Yap ang pagpapasiya kung saang mga probinsiya sila komportableng magbukas ng turismo.
Samantala, sinabi ni bohol Tourism Officer Josephine Remolador-Cabarrus na kanila nang binabalangkas ang mga ipatutupad na protocols para sa muling pabubukas ng lalawigan sa mga tursita.
Kabilang aniya rito ang pagsasailalim muna sa RT-PCR test ng mga turista bago pumasok sa lalawigan gayundin ang mahigpit na pagsunod ng mga negosyo at estblisyimento sa umiiral na health standards.