Ipinahiwatig ng Food and Drug Administration (FDA) na posibleng magkaroon na ng bakuna ang Pilipinas kontra COVID-19 pagsapit ng buwan ng Abril ng susunod na taon.
Ito’y ayon kay FDA Director General Eric Domingo kung makukumpleto ang gagawing clinical trials sa darating na Disyembre ng taong ito o Enero ng susunod na taon.
Sakaling masunod ang target schedule para sa clinical trial, sinabi ni Domingo na posibleng sa buwan ng Abril ay maaprubahan na nila ang angkop na bakuna laban sa nasabing virus.
Sa panig naman ni Department of Science and Technology (DOST) Sec. Fortunato Dela Peña, magsisimula lamang ang pagkuha ng mga lalahok sa clinical trial sa sandaling mailabas na ng World Health Organization (WHO) ang mga alituntunin sa susunod na buwan.