Iginiit ng Malakanyang na dumaan sa masusing pag-aaral at pagbusisi ang panukalang P3 Trillion national budget sa susunod na taon.
Sa kabila ito ng pag-alma ng ilang mambabatas na nagsabing minadali at hindi pinag-aralang mabuti ang budget bago ito ipasa sa ikatlo at huling pagbasa noong Biyernes.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, batid nila ang sentimiyento ng ilang mambabatas hinggil dito at iginagalang nila ang opinyon ng mga ito.
Matagal nang naging talakayin sa plenaryo ng kamara ang budget ngunit wala aniyang nangangahas na busisiin ang deliberasyon sa bawat inilaang pondo.
Dahil dito, sinabi ni Valte na umaasa silang mabilis din itong maipapasa sa senado sa sandaling mai-transmit na ito ng Kamara de Representantes.
By: Jaymark Dagala