Uumpisahan na ng ilang mga kinakauukulang ahensya ng gobyerno ang isang adjudication system na magbeberipika kung konektado ba ang isang pulitiko sa kalakaran ng iligal na droga.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, na layon ng naturang hakbang na agad na ma-validate kung may kinalaman ba ang isang pulitiko sa drug trade bago pa man ang pagsapit ng 2022 election.
Giit pa ni Villanueva, marami ang mga narco-politicians pero sa ngayon ay patuloy pa nilang kinakalap ang ilang mga dokumentong magpapatunay sa naturang alegasyon.
Mababatid, sa datos ng PDEA, noong 2019 midterm elections, 25 sa 36 na narco-politicians ang nagwagi sa naturang halalan.