Pinangangambahan ng mga eksperto ang muling pagsirit sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa Disyembre, oras na paluwagan ang pinatutupad na quarantine protocols.
Ito ang lumabas sa report ng OCTA research team.
Ayon sa mga eksperto, kanilang inirerekomenda na ‘wag munang ibaba o tanggalin ang umiiral na general community quarantine (GCQ) sa NCR.
Paliwanag nila, mas makabubuting panatilihin ang naturang quarantine status, kabasay ang pagpapaigting sa testing, tracing at isolation.
Lumalabas din sa report ng OCTA, oras na paluwagan ang paghihigpit, ay pinangangambahan ang muling pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR.
Sa pagtataya rin ng OCTA research team, aabot pa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa 380,000 kaso hanggang sa higit 400,000 kaso hanggang sa katapusan ng buwan ng Oktubre.