Posibleng magdulot lamang ng malawakang dayaan ang planong tatlong araw na eleksyon sa darating na presidential election.
Matatandaang sinabi kamakailan ng Commission on Elections (COMELEC) na balak nilang isagawa ang halalan sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw lamang upang maiwasan ang pagdagsa ng mga botante sa voting precincts sakaling patuloy parin na magiging banta sa kalusugan ang COVID-19 sa taong 2022.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, nababahala siya sa pahayag na ito ng COMELEC dahil kapag pinatagal aniya ang halalan maaring mas maraming dayaan ang mangyari.
Ngunit sinabi ng senadora, na nakakaniyerbos man pero dapat na rin siguro aniyang subukan ang pro-long system na botohan lalo na kung mananatili parin ang health crisis sa 2022 election.
Naniniwala naman si Marcos na naging praktikal lamang marahil ang COMELEC sa plano nitong tatlong araw na halalan kung saan iminungkahi pa nito na pwede rin aniyang ipatupad ang hiwalay na local at national voting.