Sumipa na sa 37 ang COVID-19 death toll sa Iligan City matapos na lima sa mga pasyente doon ang binawian ng buhay.
Sa 684 virus cases na naitala ng lunsod na nasa ilalim ng MECQ, 15 dito ang mga bagong kaso at 152 naman ang nananatiling aktibo.
Habang sa Bacolod City, 162 ang naitala doon na new cases dahilan upang pumalo na sa 3,676 ang mga nahawaan ng virus, kung saan 161 umano dito ang locally transmitted.
Samantala, sa naturang bilang, 1,129 ang active cases at 2,471 ang nakarekober, habanag nasa 66 katao na ang nasasawi dahil sa virus.
Mananatili naman sa MECQ ang Bacolod City hanggang Setyembre 30.