Nagbabala ang North Korea sa posibilidad ng pagkakaroon ng tensyon sa South Korea.
Kaugnay ito ng isinasagawang Naval Operations ng SoKor para mahanap ang labi ng isang South Korean Fisheries official na napatay umano ng mga sundalo ng NoKor.
Batay sa ulat ng North Korean State News Agency na KCNA, pinag-aaralan na ng NoKor authorities ang mga paraan kung paano maibibigay sa South Korea ang labi ng nabanggit na opisyal sakaling matagpuan ito.
Gayunman, nagbabala ang North Korean sa posibilidad na mauwi sa tensyon ang paghahanap ng South Korean authorities sa bangkay ng kanilang opisyal, oras na lumagpas ito sa boundary o hangganan.
Nasa 39 na mga barko at anim na eroplano ang pinakikilos ng South Korea para hanapin ang pinagbabaril at sinunog na katawan ng kanilang Fisheries official sa bahagi ng karagatang sakop na ng North Korea.
Una na ring humingi ng paumanhin si North Korean Leader Kim Jong Un sa insidente.