Naghain ng isang linggong leave of absence si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sisimulan na ngayong araw na ito, ang leave ng alkalde na itinalaga ang kapatid niyang si Vice Mayor Baste Duterte bilang acting mayor.
Ayon sa Office of the City Mayor, may out-of-town trip si Mayor Sara para sa ‘medical purposes’.
Tiniyak ng opisina ng alkalde na present ito online para sa mga kailangang tapusin sa kaniyang tanggapan.