Nakatakdang makipagpulong sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco Kay Pangulong Rodrigo Duterte bukas.
Ayon kay PDP Laban Executive Director Ron Munsayac, makakasama sa pulong ang iba’t ibang lider ng iba’t ibang political parties sa Kamara.
Layun aniya nitong maayos ang kontrobersiya sa napagkasunduang term sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco na pinagitnaan pa mismo ni Pangulong Duterte sa pagsisimula ng 18th Congress.
Una na ring naglabas ng manifesto ang nasa 200 mga kongresista bilang paagsuporta sa pagpapatuloy ng pamumuno ni Cayetano sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Samantala, hindi naman makumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naturang pulong dahil nakasaad lamang sa kanyang listahan ng aktibidad ng pangulo ang ilang pribadong pulong.
Muli namang iginiit ni Roque ang naunang pahayag ng pangulo na nais niyang kilalanin ng dalawa ang napagkasunduang term sharing.