Umaabot sa 2 hanggang 3 milyon pang mga estudyante ang hindi pa rin nakakapag-enroll para sa academic year 2020-2021.
Batay ito sa datos ng Department of Education (DepEd), halos isang linggo bago ang pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, nagpapatuloy ang kanilang kampanya upang makumbinsi ang mga magulang na i-enroll at pag-aralin ang kanilang mga anak.
Ito aniya ay sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan at media.
Ani Mateo, umaabot na sa 24.6 million na mga estudyante ang nakapag-enroll na para sa school year 2020-2021 kumpara sa mahigit 27 million na estudyanteng nagpatala noong nakarang taon.
Sa nabanggit na bilang 22.46 million na mga mag-aaral ang nag-enroll sa pampublikong eskuwelahan habang 2.14 million sa pribadong paaralan.