Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang social media platform na Facebook matapos nitong tanggalin ang ilang mga account at pages na nauugnay sa pulisya at militar.
Sa kanyang lingguhang ulat sa bayan, kinuwestiyon ni Pangulong Duterte ang silbi ng Facebook kung inaalis nito ang mga post o accounts na nagsusulong ng adbokasiya ng pamahalaan.
What would be the point of allowing you to continue if you cannot help us?” ani Duterte.
Gayundin aniya ay kung hindi pahihintulutan ng Facebook ang pamahalaan na itaguyod ang mga bagay na ikabubuti ng mga Pilipino.
It’s so convoluted I cannot understand. But put it this way: Tell me why can’t I use [Facebook] for the benefit of the people?” ani Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte, pinapayagan ang operasyon ng Facebook sa Pilipinas sa pag-asa makatutulong ito sa pamahalaan at bansa.
Dagdag pa ng pangulo, tila naiimpluwensiyahan aniya ang Facebook ng mga makakaliwang grupo.
Magugunitang inalis ng Facebook ang nasa 57 na accounts, 31 pages at 20 Instagram accounts na nauugnay sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, gayundin sa grupong nakabase sa China na tumatarget sa Pilipinas na nagsasagawa ng manipulation campaign.