Lumakas pa ang bentahan ng ecstasy drugs at marijuana na ginagamit sa bahay matapos ipagbawal ang mga party dahil sa COVID-19 pandemic.
Inamin ito ni PDEA Director General Wilkins Villanueva matapos masabat ang halos 4,000 ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P6.6M sa Paranaque City noong ika-8 ng Agosto.
Bukod pa aniya ito sa mahigit 9,000 ecstasy tablet na nagkakahalaga naman ng mahigit P16M na nasabat ng mga otoridad sa Lubao, Pampanga sa parehong araw kung saan 5 suspek ang naaresto.
Tuloy-tuloy din naman ayon kay Villanueva ang mga operasyon nila kung saan nakakumpiska sila ng marijuana na ang pinakahuli ay sa Quezon City at Clark, Pampanga.
18 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P126M ang nakumpiska sa Quezon City kung saan naaresto ang 2 chinese nationals samantalang 113 kilos na may street value na P13M naman ang nasabat sa Clark, Pampanga
Kasabay nito hinimok ni Villanueva ang publiko na report ang mga drug problem sa kanilang mga barangay sa pamamagitan ng ‘Isumbong Mo Kay Wilkins’ facebook page at hotlines 0995 354 7020 o 0931 027 8212.