Itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Disyembre ngayong taon ang palugit kay PhilHealth President and chief executive officer (CEO) Dante Gierran para tuldukan ang paulit-ulit na korapsyon sa ahensya.
Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, kung mabibigong wakasan ni Gierran ang korapsyon sa PhilHealth ay pupwede nang ituloy ng pangulo ang plano nitong buwagin ang ahensya.
Pero paliwanag ni Roque, hindi madali ang pagbuwag sa ahensya lalo’t kinakailangang ikunsidera and mga empleyado nitong may civil service eligibility.
Iginiit pa ni Roque na dati na niyang iminumungkahing buwagin ang ahensya sa ilalim ng Universal Health Care act at sa halip ay palitan na lamang ito bilang national health service.
Samantala, nanindigan si Roque sa publiko na walang dapat ipag-alala dahil tuloy-tuloy lamang ang pagtamasa sa libreng medical services dahil ililipat lamang ang pondo nito sa bagong itatag na kapalit nito.