Pinalawig ng hanggang isang buwan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office ang deadline sa pagbabayad ng tubig.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, alinsunod ito sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Maaari din aniyang hati-hatiin o staggered sa tatlong buwan ang bayad para sa mga residential, maliliit na negosyo at kooperatiba.
Samantala, umapela naman sa kanilang customers ang maynilad na pumirma na lang ng promisory notes at huwag nang paabutin sa disconnection notice.