Umakyat na sa 311, 694 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ayon sa Department of Health (DOH) ay matapos maitala ang 2, 426 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nangunguna pa rin ang metro manila sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na nasa 887, sumunod ang Cavite – 201, Rizal – 147, Negros Occidental – 115 At Batangas – 99.
Pumapalo na sa 253, 488 ang total recoveries kung saan kabilang ang 585 na mga bagong gumaling sa nasabing sakit.
Limamput walo naman ang panibagong nasawi sa COVID-19 kayat sumirit na sa 5,504 ang death toll sa naturang virus.
Nasa 52,702 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 86. 4% ang mild, 9% ang asymptomatic, 1. 4% ang severe at 3.2% ang critical condition.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,426 ngayong Miyerkules, Setyembre 30.
Pumalo na sa kabuuang 311,694 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 52,702 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/uiUl2dO8kb
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 30, 2020