Ibinasura ng mga kongresista ang alok ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw sa puwesto bilang pinuno ng Kamara.
Sa kaniyang manifesto sinabi ni Anak Kalusugan Representative Mike Defensor na tutol siya sa offer of resignation ni Cayetano na sinegundahan naman ni Bulacan Representative Jonathan Alvarado.
Wala namang tumutol sa tanong ng presiding officer na si Deputy Speaker Raneo Abu kung mayruong hindi sumasang ayon sa manifestation ni Defensor.
Gayunman hiniling ni Defensor na magkaruon ng nominal voting na kinontra ni Surigao Representative Robert Ace Barbers.
Sa botong 184 yes, 1 no at 9 abstain hindi tinanggap ang offer of resignation ni Cayetano na nagsabing hindi siya indispensable bilang pinuno ng Kamara.
Ang pagbibitiw ni cayetano ay kasunod na rin nang girian nila ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco sa usapin ng house speakership.
Sinabi ni Cayetano na sa pulong nila ng Pangulong Duterte hiniling nitong sa Disyembre na isagawa ang pagpapalit ng speaker na hindi pinaboran ni Velasco na naggigiit na sa October 14 na ang pagpapalit ng liderato ng Kamara.
Maging si Buhay Partylist Representative Lito Atienza na supporter ni Velasco ay hindi bumoto pabor resignation ni Cayetano dahil sa October 14 pa ito dapat mag-resign.
Congressman Velasco to the President thst he is ready. I think the best time to prove it is now kung gusto mo ng September 30 sige. If our colleagues want you today ikaw na, let him show that he can pass the budget on time but more than let him show it is a great budge. ani Cayetano