Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makatatanggap ng benepisyo mula sa gobyerno ang pamilya ng bawat Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na makatatanggap ang mga naulilang pamilya ng mga OFW ng P120,000 na bereavement at burial assistance, tulong pangkabuhayan at P30,000 na educational support para sa kanilang anak.
Ani Bello, nasa 299 na ang kabuuang bilang ng mga nasawing OFW na naiuwi na sa bansa.
Nasa 12umano rito ay mula sa Jeddah, 21 mula sa Al Khobar at dalawa naman sa Riyadh.
Nasa 30 umano rito ay namatay dahil sa COVID-19 habang ang iba naman ay nasawi dahil sa iba’t ibang kadahilanan.