Hindi nakitaan ng butas ng Palasyo ang pagbibitiw ni House Speaker Alan Peter Cayetano bilang lider ng kamara na kaagad namang kinontra ng mga miyembro nito.
Sa pahayag ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, sinabi nito na naging legal naman ang ginawang botohan ng mga miyembro ng kamara para i-reject ang pabibitiw ni Cayetano sa pwesto.
Dagdag pa ni Roque, alinsunod sa saligang batas, ang mga miyembro ng kongreso lang ang bukod tanging may kakayahan at karapatang bumoto ng kanilang lider.
Mababatid din ani Roque, na bagama’t nagkaroon ng ‘usapang lalaki’ sina Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco, malinaw na sinabi ng Pangulo na mananaig pa rin ang bilang ng mga kongresistang boboto.
Kasunod nito, ayon kay Roque, ang ikinakabahala ng Pangulo ay ang magiging epekto nito sa pagpapasa budget sa susunod na taon lalo’t nakasalalay aniya rito ang pondo sa hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19.