Ipinag-utos ang muling pagsailalim ng Tuguegarao City sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, magsisimula ang pag-iral ng MECQ, bukas, ika-3 ng Oktubre at magtatagal hanggang ika-16 ng Oktubre.
Kasunod nito, nanawagan si Soriano sa mga residente nito na ihanda na ang mga kakailanganing pagkain o anumang transaksyong gagawin dahil mahigpit na ipagbabawal ang hindi ‘essential’ na paglabas oras na umiral na ang pinaigting na quarantine status.