Ibinasura ng Court of Tax Appeals (CTA) ang hirit ng Taguig City government na patawan ng real property taxes ang Veterans Federation of the Philippines (VFP).
Batay sa desisyon ng Third Division ng tax court, binigyang diin nito na walang merito ang petisyon ang lokal na pamahalaan ng Taguig dahil isang government instrumentality o bahagi ng gobyerno ang VFP kaya’t exempted ito sa pagbabayad ng buwis.
Sinasabing sa assessment ng Taguig LGU, lumalabas na hindi umano nagbayad ng buwis ang VFP para sa limampung ektaryang lupain nito sa Western Bicutan na nagkakahalaga ng P99 milyon mula 1989 hanggang 1999.