Tuloy na tuloy na bukas ang pag-aanunsyo ng senatorial line up ng Liberal Party, matapos ang ilang beses na na-delay ang announcement ng kanilang kumpletong ticket para sa eleksyon 2016.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperon Abigail Valte, natagalan ang paghahayag ng LP ng kanilang senatorial slate dahil na rin sa pag atras ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na tumakbong senador sa ilalim ng Partido Liberal matapos ang kontrobersyal na sayaw ng grupong play girls matapos ang isang event ng liberal sa Laguna.
Tikom naman si Valte sa mga usap-usapang sinusuyo ng Liberal Party si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares na tumakbong senador sa ilalim ng kanilang partido.
Kung matatandaan, isa rin sa binigay na dahilan ng LP kung bakit iniurong sa lunes ang pag aanunsyo ng kanilang kumpletong ticket, ay ang pagbibigay nila ng sapat na panahon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista upang mag isip. Subalit sa kalaunan ay nagdesisyon ang alkalde na tumakbo na lamang ulit sa pagka-mayor ng Quezon City.
By: Jonathan Andal