Pinatawan ng anim na buwang suspensiyon ang pitong barangay chairmen sa ilang bayan ng Pangasinan dulot ng umano’y anomalya sa social amelioration program (SAP).
Kinilala ang mga ito na sina Lawrence Gilbert Delos Angeles ng Barangay Balogo; Froilando Fernandez ng Barangay Gayaman; Rogelio Fernandez ng Barangay Caloocan Norte, at Jesus Dennis Ruiz ng Barangay San Isidro sa bayan ng Binmaley; Walter Velasco ng Barangay Cablong sa Sta. Barbara; Ariel Cayabyab Hiquiana ng Barangay San Vicente sa San Jacinto, at Angel Sombrito ng Barangay Calanutan sa bayan ng Rosales.
Ayon kay DILG Pangasinan Provincial Director Paul Lalata Jr., kabilang sa mga kinakaharap na reklamo ng mga barangay officials ay sinasabing grave misconduct prejudicial to the best interest of service, abuse of authority, at oppression.