Inihayag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang suporta sa panukalang Anti-Red Tape o Senate Bill Number 1844 na layong magbigay ng kapangyarihan sa punong ehekutibo na gawing simple at mabilis ang proseso sa panahon ng national emergencies at mapadali ang pagsasagawa ng pagnenegosyo.
Ang naturang paghayag ng suporta ay ginawa ng senador sa public hearing ng senate committee on civil service at committee on justice.
Magugunitang nanawagan din si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ibayuhin ang proseso ng pagnenegosyo sa bansa.
Kung kaya’t nagbabala ni Go, mananagot ang mga opisyal na hindi susunod sa anti-red tape ng pamahalaan.