Sumirit pa ang bentahan ng iligal na drogang—ecstacy at marijuana sa ginta ng umiiral na community quarantine sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Wilkins Villanueva, ito’y batay sa kanilang pagmo-monitor sa dami ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Paliwanag ni Villanueva, sa nagpapatuloy na pandemya ay isinarado ang iba’t-ibang mga bar, kaya’t karamihan ay nagsasagawa ng party o social gatherings sa kani-kanilang bahay kung kaya’t mas talamak ang bentahan ng mga iligal na droga.
Nauna nang nasawata ng mga awtoridad mula sa pdea ang higit P8-M halaga ng ecstacy na tinatayang nasa 9,000 mga ecstasy tablets sa lungsod ng Parañaque na sinundan din ng ilan pang operasyon sa karatig na lugar at ibang mga probinsya.