Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng Beep cards sa EDSA busway sa gitna ng mga reklamo hinggil sa presyo nito.
Sa anunsyo ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kanilang ikinalulungkot ang pagtanggi ng provider ng Beep cards sa EDSA subway na i-waive o ilibre ang pagbili nito.
Ito ay sa kabila, anila ng paulit-ulit na pakiusap sa A-F Payments Incorporated, ang provider ng automatic fare collection system (AFCS) ng EDSA busway.
Dahil dito, sinabi ng DOTr at LTFRB na kanilang napagpasiyahan na itigil muna ang mandatory na paggamit ng Beep cards sa EDSA busway simula Lunes, October 5, hangga’t hindi pa nareresolba ang usapin.
Tiniyak naman ng DOTr na wala ring dapat ipangamba ang mga pasaherong nakabili na ng Beep cards dahil maaari pa rin naman itong gamitin sa pagbabayad ng pasahe.
Habang maaari naman magbayad ng cash ang mga pasaherong wala pang Beep cards.