Gustong-gusto ni Bam Adebayo na tinaguriang big man ng Miami Heat na makabalik sa paglalaro sa Game 4 ng NBA Finals.
Ito’y makaraang ma-upgrade ang status ni Adebayo bilang ‘questionable’.
Nauna rito, dumanas ng injury ang manlalaro at inaming todo-todo na ang kanyang pagmamadaling gumaling.
Kasunod nito, ayon naman sa Fil-Am head coach ng Miami na si Erik Spoelstra, kinukulit na siya ni Adebayo na ipasok na itong muli sa kanilang laro.