Inihalal si Health Secretary Francisco Duque III bilang Chairperson ng taunang Regional Committee Session ng World Health Organization Western Pacific kung saan magsisilbi siya sa loob ng isang taon.
Sa kanilang virtual meeting, nagpasalamat si Duque sa patuloy na dedikasyon ng lahat ng miyembrong bansa para isakatuparan ang kanilang future vision.
Ito ay sa kabila aniya ng panahon ng pandemiya at pagsisikap ng lahat para umangkop sa tinatawag na “new normal”.
Binubuo ang komite ng mga health ministers at senior official’s ng mga miyembrong bansa ng WHO mula sa Western Pacific.
Nagsasagawa ng taunang pulong ang komite para talakayin ang mga isyung may kinalaman sa kalusugan sa rehiyon.
Kabilang sa mga ito ang COVID-19, vaccine-prevented diseases, immunization, aging and health, ligtas at murang survical intervention at program budget para sa 2022-2023.