“Panahon na para umupo bilang house speaker.”
Ani Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang sinabi mismo sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte nang makapulong niya ito sa Malakanyang noong Lunes ng gabi.
Ayon kay Velasco, walang naging pasubali si Pangulong Duterte ng payuhan aniya siyang dapat niyang igiit ang kanyang karapatan sa term-sharing agreement nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Pribado ang naging pulong sa pagitan nina Velasco at Pangulong Duterte kung saan tanging si Senador Christopher Bong Go lamang ang kanilang kasama.
Ginanap ito matapos ang lingguhang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa malago clubhouse kasama si Pangulong Duterte.