Nagbigay ang Estados Unidos sa Department of Education(DEPED) ng mahigit 150 na mga laptop, printers, projectors at ilan pang kagamitan sa pag-aaral.
Ayon kay Lawrence Hardy II, Mission Director ng United States Agency For International Development (USAID )ito’y suporta ng Estados Unidos sa bagong paraan ng edukasyon sa bansa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Hardy, ang mga donasyon ay bilang pagsuporta sa Basic Education Learning Continuity Plan ng DEPED na nagsisiguro sa tuloy-tuloy na edukasyon ng mga mag-aaral lalo na ng mga out-of-school-youth.
Samantala, magbibigay pa ng karagdagang P34 milyong halaga ng mga kagamitan ang USAID para sa ALS task force ng DEPED.